Hang Hinit!

Kanina galing kami ni Ize sa Global International School (Alkon International School) at meron siyang entrance exam. Ang tagal pala maghintay at super boring. Ang daming nangyari nitong mga nakaraang laktaw ng aking post haaayst! Well, di ko na mabilang at di ko na rin maalala kung ano pa ang iba pang mga detalye.

Binalikan ko ang mga lumang post ko at natuwa ako dahil yung previous post ko pala ay nangyari na nga. Oo! yung tungkol sa Tablet Pc para sa mga Pinoy na mag-aaral. Matagal ko nang nakita yung balita pero di ko kaagad nai-post dahil sa dami ng oras ko….. para sa ibang bagay hehe! Waaah! Ayan na nga at medyo kumikirot na ang ulo ko. Epekto ng napakainit na panahon ngayon. Kung susuriin ay itong init na ito ay panimula pa lamang dahil nagsisimula pa nga lang ang summer dito sa Saudi Arabia – paano pa kaya sa Augurst na talagang kasagsagan ng init. Sa August din kasi ang aming balik o mga Septyembre galing ng Pilipinas.

Sobrang hexcited na nga po ang inyong lingkod. Nag-iisip na nga kami ng mapupuntahang mga pasyalan at siyempre di mawawala ang Manila Ocean Park at Enchanted Kingdom (kakahiya mang aminin pero magpa-hanggang ngayon ay di pa rin ako nakakapunta doon). Handa na rin ang camera para sa aming pictorial at nagse-self-study na rin ako para naman di pahuhuli ang mga pictures namin di ba.

At dahil nga di na rin ako nakakapag-blog dito ay bumaba na ng isang PR ang blog na ito. Okay lang atleast may natira pang isang PR (PR1). Pero iwan ko muna ulit itong blog na ito at balik alaga muna ako sa aking bunso. Ciao! Iwan ko muna kayo habang nanonood kayo ng videong tinutukoy ko. Salamat po.

 

 

Advertisements
Comments
2 Responses to “Hang Hinit!”
  1. lica says:

    hi.i dont really read blogs.its my first time.ssaw yr blog in eblogger bout cherry pad advance.im planning to buy one.kya lng id like to make sure its reliable esp in video chatting.ileft a comment at yr blog.ala lng.nklatuwa pla mgbasa ng blogs.saw yr wife too.shes a beauty i thought i saw her somewhere she looks familiar to me.hope. can help with the cherrypad advance.it might b a stupid question.pro me video chat b dun?can i use video chat with skype?thanx po.regards to ur family.Godbless

    • izeleon says:

      Pwede syang makipag-chat using Yahoo Messenger, meron siyang video. I tried Skype it worked pero di clear yung video nya. One more thing is that mabilis maubos ang battery.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: