Tablet PC para sa Pinoy na Mag-aaral!

Naisip ko lang:

Siguro mas malaki matitipid ng mga estudyante sa Pinas kung lahat sila ay naka-Tablet PC (kahit China lang). Tapos lahat ng libro ay naka-digital ebooks na lang para isa na lang dala at pwede ulit mag-upload ng bagong libro for next school year, di ba? Siguro naman di na kailangang pagbayarin pa ang mga students sa digital ebooks sa public schools.

Pwede na ring notebook yun, di na sila magsusulat – download na lang yung lesson ni maam hihi! At nakatipid din ang mga teachers sa chalk di ba? Haay napaka-simpleng solusyon lang at tingin ko ay pangmatagalan pa ang resulta. Di pa mapapagod gumawa ng visual aids ang mga teacher.

Di na rin kailangang maningil ni Maam ng pang-xerox ng test papers tuwing exam. Upload na lang ng titser yung exam niya sa tablet PC nila.  If ever may quiz ay pwede ring upload na rin ang mga quiz sa tablet PC nila. Di na kailangan ng masyadong papel at marami pang puno ang naligtas sa kamay ng mga illegal na troso at di na tayo babahain dahil nga maraming puno. At imbes na ibili ng papel ay bumili na lang ng pagkain.

Kung gayon di lang pala estudyante at teacher ang giginhawa o makikinabang sa solusyong it; maging ang ating gobyernong nagre-reklamo na sa kakulangan ng budget. O di ba? Kayo ano sa tingin niyo? O ito ang libreng tablet PC para sa’yo – right click mo lang yung picture, tapos download!

 

Advertisements
Comments
6 Responses to “Tablet PC para sa Pinoy na Mag-aaral!”
  1. Hideki says:

    haw mats ba yang eepad ng asus? sa india eh meron din sile binebenta na por student only. nasa $50 lang ata, o mababa pa. kasi dun, alam nila kung ganu pwede makatulong sa pag aaral ang tablet pc’s. 😀

    • izeleon says:

      Oo na-feature ko nga yun sa Xleontips ko dati pero dito sa Jeddah ay may ibinebentang tablet pc na 375SR – halos 100$ din pero 7″ siya at ang tatak ay IPo. Ang bilis naubos, plano kong bumili if ever nakita ko yung functionality niya ay okay naman. Ang kaso ay Android 2.2 (Eclair) lang ang installed. Sana pwedeng i-upgrade to atleast Android Honeycomb.

      Bukas madayo nga baka meron ng stock. Thanks for visiting.

  2. Rej says:

    at madali na rin ang pangongopya. Digital Cheating. hehe!

    ang alam ko may isang school sa singapore na gumagawa na nito. pero sa pinas ika nga ni sen. miriam “Wah.” maybe ateneo or la salle or international schools.

Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] post ko at natuwa ako dahil yung previous post ko pala ay nangyari na nga. Oo! yung tungkol sa Tablet Pc para sa mga Pinoy na mag-aaral. Matagal ko nang nakita yung balita pero di ko kaagad nai-post dahil sa dami ng oras ko….. […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: