Yehey! Tatay x2 na Ako!

Huwebes ng umaga ng bigla akong magising sa sinabi ng misis ko “Dad, dinudugo ako!“. Bigla akong napaupo mula sa kababawan ng aking tulog at tanging “Hah!” lang ang nasabi ko. Tinannong ko kung ano pa ang nararamdaman niya, kung may masakit ba. Matapos nuon ay nag-decide na akong tumayo at mag-empake para pumunta ng hospital. Muli ko siyang sinilip at tinanong kung dinudugo pa rin siya at sinabi niyang baka mawala daw kung hindi siya kikilos. Pinakiramdaman namin si baby kung gumagalaw ba o hindi. Di biro ang duguin habang buntis at ang masaklap ay dinala na niya ito ng walong buwan sa kanyang sinapupunan. Pareho kaming balisa ni Leah.

Nung mga oras na yun ay tulog din si Ize dahil alas-7 medya pa lamang ng umaga. Maya-maya pa ay sinabi ng aking maybahay na may lumalabas daw na tubig – mukhang pumutok na ang panubigan niya. Dahil doon ay nagkasundo kaming tumuloy na sa hospital. Mabuti na lamang at hindi madaling araw dahil mahirap kumuha ng taxi kung ganung oras. May kutob na kaming manganganak na siya pero ang aming pangamba ay walong buwan pa lamang ang bata at ito raw ay delikadong buwan para isilang ang isang bata. May pangamba ako pero may halong katatagan at pag-asa na hindi kami pababayaan ng Panginoon. “Hindi kami pababayaan ng Diyos” ang tanging bulong ko sa sarili. Bago kami umalis ng bahay ay niyakap ko ang mag-ina ko at umusal kaming nanalangin at ang huling mga salitang binitiwan ko na kahit masakit man sa loob ko ay “Kung ano ang inyong kalooban ay malugod naming tinatanggap.

My new baby is smiling for me.

Was that a smile Noah?

Pagdating sa hospital ay di naman agad siya na-admit kaagad. Gabi na rin nung mabigyan kami ng kwarto pero bago pa nangyari yun ay marami kaming nakitang mga hirap na pinagdadaanan ng mga kababaihan sa kanilang panganganak. Talagang hindi madali ang magbuntis kaya dito ay saludo ako sa mga kababaihan sa pagdadala ng bata sa kanilang mga sinapupunan. Meron pang isang pasyente doon na mga anim hanggang pitong buwan niyang dinala ang bata at ito’y namatay lang ng ganun. Di man kami ang nakaranas noon ay ramdam ko ang lungkot ng ina nito. Bigla ko tuloy naalala yung kapitbahay naming pinoy sa luma naming tinitirhan. Kabuwanan na nung kanyang maybahay at nasa hospital na sila ng mamatay ang bata; ang dahilan ay pumulupot ang umbilical cord nito sa kanyang leeg. Ito ay dahil na rin sa kapabayaan ng doktor.

Nang masiguro na naming may kwarto na si Leah at maayos na ang mga papeles ay umuwi na kami ni Ize. Bawal kasi ang bantay dahil ito ay government hospital kaya naman hindi pa rin nagkikita ang magkapatid. Gustong-gusto na talagang makita ni Ize ang baby brother niya. Panay ang tanong sa akin kung bakit di daw niya pwedeng makita ang baby brother niya.

Hanggang ngayon ay di pa rin pwedeng lumabas ng hospital ang mag-ina. Si Leah ay di pa stable ang kanyang INR (International Normalized Ratio) – ito ay isang paraan para malaman kung epektibo ang mga gamot na ginagamit niya gaya ng Warfarin/Clexane o kahit ano pang-gamot na pang-panipis o pang-palabnaw ng dugo. Samantala si Noah naman ay may Jaundice kaya kailangan din niyang mag-stay pa sa hospital dahil siya ay under Photo Light Therapy para mawala ang paninilaw niya sa kanyang balat. Karaniwan daw ito sa mga sanggol na isinisilang ng kulang sa buwan o mas maagang ipinanganak sa petsa ng kapanganakan nito. Gayunpaman, masaya ako at nasa pangangalaga sila ng Diyos at may mga dalubhasang kumukupkop sa kanila at may mga makabagong instrumento sa hospital na talagang makakatulong sa kanilang kalusugan.

Kaya heto, bonding kaming mag-ama ni Ize. Mabuti na lang at magkakasama kami at nakikita ko ang progress ng bawat isa. Miss ko na ang babies ko.

Nung unang bisita ko after makapanganak ng aking maybahay ay ganito pala ang nangyari. Pagpasok ko ng kwarto ay rinig ko kaagad ang iyak ni Noah. Actually, kausap ko si Leah para alamin kung saan siyang kuwarto inilipat at dinig na dinig ko sa background na iyak ng iyak si Noah. Pagdating ko at nang makita ko ang baby ay mixed emotions ako. Maliit lang siya dahil nga siya ay kulang ng tatlong linggo. Naawa ako at the same time natuwa dahil napakatapang niya. Napakatapang niya dahil nagpumilit siyang lumabas kahit na siya ay kulang pa ng tatlong linggo. Nung magsalita ako at sabihing “Oi! Why is my baby crying?” ay biglang siyang tumahimik at luminga-linga. Lumukso ang puso ko at parang gusto kong lumuha (corny no hehe!), o sige na medyo naluha na ako hehe!. Natakot akong buhatin siya dahil parang madudurog ko siya kaya hinayaan ko lang siyang kandong ni Leah. Basta ang sarap ng feeling.

Na-video ko pa si Noah at talagang tumahimik na siya nung malaman niyang nandoon lang kaming dalawa ng mommy niya sa tabi niya. Maya-maya pa ay bumaba ako para ipakita kay Ize ang baby brother niya. Naghihintay siya sa reception area dahil nga bawal ang bata. Tuwang-tuwa siya nung makita niya ang kanyang baby brother at natuwa din ako dahil doon. Nung malaman niyang iyak ng iyak yung baby ay sinabi niyang “Maybe he is crying because he wants to see me” . Talagang ang saya-saya ko.

Ako na yata ang pinaka-blessed na ama sa balat ng lupa ng araw na iyon. Yun lang po at maraming salamat sa pag-sqwander niyo sa aking blog. Yung ibang kwento ay nasa aking Baul ni Noel at nandoon din ang ibang mga larawan. At ayun nga po, 11-11-11 ang kanyang birthday. Galing no!

Advertisements
Comments
6 Responses to “Yehey! Tatay x2 na Ako!”
  1. Roy says:

    Cute baby. Nice name.

  2. Leah says:

    Ang cute-cute ni Noah. hehe.. and very adorable naman si Ize.. “Maybe he is crying because he wants to see me” Awwww.. That is so adorable. 🙂

    Congratulations po ulit!

    • izeleon says:

      oo nga eh, kahapon lang sila nagkita magkapatid. He was so happy at di siya umalis sa tabi ng Mom at brother niya. Lagi siyang nakasilip sa brother niya while being breastfed. Natawa pa ako sa comment niya kahapon “He is so small and he is so cute like me!”

  3. Richard Rala says:

    Nabagbag ang kalooban ko sa blog mo na ito bro…di ko napigil na medyo maluha ako knowing the things na pinagdanan nyong mag asawa na aware na aware ang buong brethren. Truly God is so amazing working on the lives of His children like you. Despite of all the trials & sufferings. His words always prevail in our lives…ipagpatuloy nyong mag-asawa ang ang kalakasan sa Panginoon kapatid…you’ll be rewarded. Masama lang ang loob ko sayo bro dahil sana man lang tinawagan mo ako nung nangangailangan ka ng sasakyan na magtatakbo kay sa inyo ni Leah sa Hospital…hehehehe! But anyway Congratulation sa inyong mag-asawa. You’re a spiritual inspiration to us knowing that the salvation you have accepted has truly manifested in your lives. To God be the Glory Bro!!!

    • izeleon says:

      hahaha! wag ka ng magtampo kilangan kasi naming makarating ng agad-agad kaya di na ako nagpaligoy-ligoy na magtawag. Pero God is trully good and He planned everything perfectly kasi pag baba namin ng bahay ay dumaan yung friend kong taxi driver at nakasakay kami agad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: