New Blog Theme Required!

Nagsasawa na ako sa blog theme ko, kailangan ko na itong mabago. Yung draft ko ng theme para sa Xleontips ay di ko matapos-tapos. Hopefully ay mabigyan ko ito ng oras. Blogger theme lang ang pwede sa akin. Nakahanap na ako ng theme layout na sumasang-ayon sa aking malikot na pag-iisip, sana nga lang ay ma-customize ko ito ng maayos.

Ooops! Kumusta na po pala kayong lahat? Ang tagal, tagal, tagal, tagal ko ng di nag-i-sqwander. Ibig sabihin po ay talaga lamang mahalaga ang bawat segundo ng panahon ko nung mga oras na di ako makapag-blog dito. Ang dami-dami ring pinagdaanang mga sad moments pero salamat sa Diyos at napag-tagumpayan ko ang lahat ng iyon at ang iba ay marahil binubuno ko pa ring malamapasan pero sa tulong ng Diyos alam kong magta-tagumpay din ako (kami).

Nakalimutan ko na ulit gumamit ng WordPress, grabe. Pero masaya naman po ang inyong lingkod dahil maayos na ang kalagayan ng aking may-bahay. After na maka-ilang beses na magkaroon ng blood clot. Ang mahalaga ay safe at fully-recovered na siya. Thank you Lord.

Natapos na rin ang isa naming napakahalagang proyekto, sa wakas! Mga kaunting karagdagan na lang at kaunting pagbabago. Sana ay maging kuntento na sila sa mga ginawa namin para wala ng masyadong problema. Hindi naman ako nagce-celebrate ng Halloween pero bumabati na rin ako sa lahat ng nagce-celebrate ng mga panahong ito. Happy Halloween po sa inyong lahat. Sana mahintakutan kayo sa isa’t-isa hehe!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: