Ang Sqwander ay Ruma-Rank na rin!

Opo, kamakailan lamang ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa ranking ng Google PR. At ang isang nakakatuwang bagay ay tumaas ang ranggo ng aking Xleon Tips na mula sa PR0 ay naging PR2. Samantala, nanatili namang PR3 ang aking Baul ni Noel pero ang isang nakagugulat na bagay ay ang pag-rank din ng Sqwander.

PR1 na po ang Sqwander. At kahit mangilan-ngilang post lamang ay talaga namang nakakagulat. Ngayon tuloy ay may agam-agam ako sa mga pangyayari. Di kaya bawiin lang ito in Uncle Google at sabihing “Sorry po, nagkamali lang – computer lamang kami at gawa ng tao lamang.” Hindi naman sa sinasabi kong wala akong tiwala sa mga blog ko (ganun na rin yun!). Malamang nga ay ganun na rin yun hehe! Una sa lahat ay di ko naman iniisip na raranggo itong Sqwander na ito. Naisip ko lamang paglaruan ang pang-check ng PR at naisulat ang pangalan ng blog na ito.

Siguro ay pinatutunayan nitong ang WordPress ay may malaking impluwensya sa SEO o Search Engine Optimization. Bakit kamo? Dahil di ko naman naisiping ipatala o gawing publiko ang blog na ito – espesyal lang ang nakakaalam ng blog na ito (kung nababasa mo ito ay espesyal ka kaibigan). Ang ibig kong sabihin ay hindi ko na-submit ang blog na ito sa tatlong nangungunang search engine sa buong mundo at unang-una na rito si Uncle Google, matapos ay sa Yahoo at sa Bing ng MSN.

Kung gayon, ano nga kaya ang batayan ng ranking na ipinalabas ni Uncle Google? Pasensya na pero tinatamad akong mag-research kaya kung may sagot kayo ay comment na lang po kayo. Maraming salamat sa inyong pag-sqwander.

At dahil diyan, arms-wayd-open ko pong tinatanggap ang sinumang nagnanais na madagdag sa aking blogroll ng walang kwentang blog na ito kapalit ang walang sawang pagpapakumbaba niyo na isali ang walang kwentang blog na ito sa inyong blog roll. Muli po ay maraming salamat.

Advertisements
Comments
8 Responses to “Ang Sqwander ay Ruma-Rank na rin!”
  1. iluvroy says:

    Nice to hear that, will add you on mah list.

    Happy blogging.

  2. Bino says:

    umuuso ang pagerank ngayon hehehe. ung thebumupstairs ko pr2 pero ung damuhan nanatili sa pr3

    • izeleon says:

      Ayos, pareho pala tayo PR2 at PR3 pero dagdag pa itong isa ko na PR1 hehe! Naalala ko yung Xleon Tips ko ay it took me around 50 posts bago naka-PR1. hehe! Congrats talaga sa atin.

  3. helena says:

    congratulations! hahaha ayaw mo nun, kahit special blog ay rumarank din? siguro may kaibigan ka sa Google. Hahaha. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: