Nalalapit na Paglayo

Magandang araw sa inyong lahat at nandito na naman po ang inyong lingkod -isang sqwanderer. Medyo balisa at di mapakali sa nalalapit na paglayo ng aking maybahay. Alam kong sandali lamang ito at di permanente pero siyempre – nakakalungkot pagkat alam kong bukang-bibig siya marahil ni Ize na aming bulinggit kaya at siyempre mami-miss ko siya.

Iba na talaga kapag nakasanayan natin ang huminga, kumain, matulog at mag-liwaliw na kasama ang mahal mo sa buhay. Parang isang bahagi ng katawan mo ang nawala sa’yo (ganun nga ba? parang masakit yun ah). Anyways, I’m sure mami-miss namin siya ng sobra lalo pa’t itong si Ize ay marunong ng mag-lambing at mangulit. Pihado kong mare-reach ko lagi ang maximum ng aking phone bill hehe!

My wife-Leah and Ize

My Angels

Exit na siya since meron ng company na mag-sponsor sa kanya. I hope and pray na maging smooth ang paglalakad niya ng papeles at mabilis ang proseso nito. At sa kanyang pagbabalik ay ako naman ang mag-e-exit pero yun ay pagkatapos ng pag-aaral ni Ize. I hope mailipat muna sa sponsorship ni Leah si Ize para mapagpatuloy niya ang pag-aaral niya dito sa September.

Excited na rin si Ize sa bagong school niya kasi pumunta kaming minsan ni misis sa school at kinunan ni Leah ng picture yung mga facilities. Ganda raw ng playground at mga pinay ang mga nag-aalaga sa mga bata.

At sa aking pagbabalik – under naman ako ng sponsorship ng aking wife. Hopefully, makahanap ng mas magandang break. I know naman na di kami laging down at nandiyan lang lagi Siya para sa amin.

Maraming salamat ulit sa inyo mga ka-sqwander! God bless.

Advertisements
Comments
One Response to “Nalalapit na Paglayo”
  1. bino says:

    tiis tiis lang ng konti. Mayplans si GOd para sa inyo 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: