Silent Mode

Medyo tahimik ang aking sqwander moments and that could only mean busy ako. Oo nga, isang tambak ang aking projects at kailangan kong makahatak ng magandang idea sa isang project na handled ko. Pero gusto ko munang mag-slow down ngayon. Isip muna ako ng magandang pagkakitaan sa Pinas kung halimbawang umalis na ako sa trabaho ko or paalisin ako hehe! which ever comes first. Naisip ko, kung sasabak ako ng business ay dapat enjoy din ako at kikita rin dapat at in na in. Meron ba kayong idea na magandang pagkakitaan sa Pinas? Parang ang hirap ng sumabak ng negosyo sa Pinas dahil sa mga nagtataasang presyo ng bilihin. Maganda sanang business ay yung pwede mong iwanan sa iba habang ikaw ay nagta-trabaho rin. Kasi siyempre ang hirap nga mag-negosyo dahil di naman kaagad babalik ang pera kaya magandang may trabaho ka ring extra di ba?

Mabenta pa rin kaya ang e-load? Kaya lang parang ang dami ng kumpitensya dito pero sabi ng Mom ko ay mabenta pa rin. Hay!

Later panoorin ko yung Takers, maganda daw eh. Kahit medyo nako-cornyhan ako sa title hehe! Kagabi napanood ko yung Green Hornet, comedy ba talaga yun? hmmm… pero okay na rin, pero di ako masyadong na-thrilled. Siguro ang na-thrill lang ako ay yung sa barista skill nung sidekick niya hehe!

Naadik din pala ako sa Fringe nitong nagdaang linggo. Grabe marathon ako from season 1 to season 3, bitin nga eh kasi nakaabot na ako sa current season at every week na ang updates hehe!  Ganda rin ng episode ng The Mentalist at Vampire Diaries. Bakit nakakagawa ang US ng magandang palabas out of newbie talents at kahit walang special effects ay di siya lumalabas na corny samantalang sa atin kahit batikan na ang mga aktor ay nagiging corny pa rin – or baka sa script lang yun? or mahilig lang talaga ang pinoy sa corny? hmmm…

Sige na muna, ligo muna ako at ng makapasok later – papa-late na lang ako late din naman sila magpa-sahod eh hehehe! (uber pa!) See you next time mga ka-sqwanders!

Advertisements
Comments
4 Responses to “Silent Mode”
  1. Nortehanon says:

    hmn, kung makakapagpalabas ka ng malaking puhunan, magandang negosyo dito ngayon ang paupahang bahay, kahit yung mga tipong pang-estudyante. Patok yun. On the side, puwede ka bang magnegosyo ng iba kasi hindi na kailangang bantayan araw-araw.

    Among the shows you mentioned, Fringe ang pinanonood ko. Pero hindi pa updated yung DVD na nahiram ko hehehe

  2. bino says:

    dito kasi mga bankable artists lang ang binibigyan ng break kahit na walang kwenta ang script. hehehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: