Mga Nakakainis na Bagay!

Tinanghali ako ng gising nung araw na yun. At dahil nga tinanghali ay for sure late na rin ako sa trabaho. Pagkaligo at pagkabihis ay nagpaalam agad kay misis at sabay alis. Para agad ako ng taxi “Balad? Kamsa?” (Balad? Riyals? malapit lang naman kasi). “Let’s go!” hip na sagot pa ng taxi driver. So go! go! naman ako. Pagdating sa Balad, binigay ko kaagad yung 5. Nagulat naman ako ng biglang sinabi nito na di naman siya pumayag at sampu daw dapat ang bayad. Ang sabi ko “You said Let’s go when I said 5 SR?”.  “Yes I said let’s go but I did not say Yes” ismarteng sagot ng indianong driver. Nagpanting talaga tenga ko sa sobrang inis, at umakyat lahat ng mainit kong dugo. Naisahan ako ng mokong at wala akong time na makipagdigmaan. “You made me believe that you agreed.” sabi ko habang pinapakalma sarili ko kahit habang kinakausap niya ako ng nakangisi. “You’re joking right?” at pagkasabi ay bumaba na ako at di ibinigay yung hinihiling niyang dagdag na 5SR pero hinabol niya ako at biglang naging seryoso ang mukha niya. Napatingin ako sa relo (super late na ako sa presentation ko) at sabay dukot ng 5SR at sabay tapon nun sa ilalim ng taxi. Alam kong mali ginawa ko pero that time talaga ay sarado ang isip ko sa sobrang inis sa sarili ko dahil naisahan ako at dahil sobrang late na ako. Narinig ko pang sumisigaw yung driver pero di ko na pinansin, tumalikod na ako at tumakbo papasok ng building namin.

Pagdating ko sa mga elevator ay iisa lang ang gumagana. Nagulat pa ako ng may pumindot ng down. Isang palapag na lang at pababa pa yun pero talagang ayaw gamitin ng mga paa nitong walang silbi. Mukhang inaalat ako ngayon ah. Pag sakay ng elevator ay syempre daming nagsakayan at nakasakay naman ako ang kaso ay halos lahat yata ng floor ay hinintuan. May isang nakakainis pang bagay nung nasa 4th floor, dahil nung may bumabang 3 ay may sumakay na isa na nakikipag-kwentuhan pa sa kasama niya. Ayaw pa nitong sumakay at nakaharang sa elevator dahil di pa tapos conversation nila (blah! blah! blah!) – twiiiit! twiiit! (tunog pa ng elevator kasi matagal na talaga). Ayaw ko ng magsalita dahil alam kong ako ang talo dahil di niya rin maiiintindihan ang english ko (in the end ako rin ang asar). Buti na lang nainis na yung iba at pinagsabihan yung mama na “Eshada? Rho!” (Ano ba? Alis na!).

Sa 19th floor ang destination ko pero 12th floor pa lang ay wala ng tao kaya medyo nakalma ako. Pagdating ng 14th floor ay huminto at may nagtanong agad sa akin ang arabo “tahat?” (down?) at sumagot naman ako ng “la!” (no). Pang-dagdag inis to ah, bakit naman kasi pati up ay pinipindot kaya tuloy huminto pa ako doon. At dahil nga iisa lang ang elevator na gumagana, from 14th floor up to 18th ay dumaan at huminto ang elevator at ang taning narinig kong tanong ay “tahat?” (down?). Yung nagtanong sa 18th floor ay di ko na sinagot sa sobrang inis ko kaya sumakay siya. Pagbaba ko ay medyo napangisi pa ako dahil umakyat ang kawawang mama (Hay naku! basang-basa na ako sa sobrang bad ko hehe!, sensya na po!)

Isa pang nakakainis na bagay sa mga tao dito ay kung sumulat sila at magbasa ay pabaligtad, ganun din yung isip nila. Sa elevator na lang pinduting ba ang down para pababain ang elevator or up para paakyatin hehe! Sa taxi pag gabi ay naka-patay ang ilaw(yung ilaw sa taas na nakalagay ay “TAXI”) akala mo tuloy ay may nakasakay na tapos pag bukas ang ilaw ibig sabihin ay may nakasakay – ganun nga ba dapat talaga? (medyo nakakabobo na rin kasi hehe!).

Usapang patis, toyo, suka, atbp naman tayo. Kayo ba ay bumibili ng gawa sa ating bansa? Kasi ako kahit papaano naman ay tinatangkilik ang sariling atin sa mga ganitong aspeto. Minsan nung bumibili ako ay nakita ko sa mga tatak ng patis, toyo, suka at kung ano-ano pa yung pangalang “Pinoy” at “Manila”. So iisipin niyo tuloy galing ng Pinas. Pero nung tingnan ko kung saan gawa ay galing pala ito ng Thailand. Bakit naman ganun? Walang gamitan. Nakakaloko sila, kaya ayun hanap ulit ako. Take note pati pala Rufina patis ay galing na ng Thailand. Buti na lang yung Makati ay made in the Philippines. Kaya kung kayo ay tumatangkilik ng gawa sa atin, check niyo maigi binibili niyo.

O ayan, medyo natahimik ako kaya naisipan ko lang i-share yung mga napapansin ko dito sa lugar ng mga arabo. Oo nga pala, nasakyan ko pala ulit yung taxi driver na nabanggit ko doon sa taas. Ang tanong ko 5sr ganun ulit ang sagot niya kaya bigla kong naalala yung nangyari noon. Buti na lang di pa ako nakakaupo nung maalala ko at makilala ko siya sa kanyang nakakaasar na ngisi. Nagulat pa siya nung bigla akong bumaba at nagtawag ng ibang taxi ng walang sabi-sabi. No need to explain myself hehe! Iwas init ng ulo at iwas gulo na lang ako hehe!

Salamat sa pag-sqwander!

Advertisements
Comments
8 Responses to “Mga Nakakainis na Bagay!”
  1. Bino says:

    hahahaha may mga manggagancho din pala dyan

  2. khanto says:

    kainis yung ganung taxi. mandurugas.

    kainis din yung hihinto sa lahat ng floor ng building

  3. MPoy says:

    SMILE…. pang asar na araw yan ah.

  4. izeleon says:

    Salamat sa inyong pagbisita. Ingat kayo lahat.

  5. YanaH says:

    indi ako natutuwa sa mga elevator. claustrophobic kase.
    marami akong naexperience na mga ganyang manlolokong driver sa dubey dati.
    Meron pa.. habang kinakausap ka, mumurahin ka in Filipino ha..
    kairita lang..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: