Negative vs Positive?

Pakiramdam ko mali ang ginawa kong desisyon na gawin itong blog na ito. Una sa lahat ay ang plano ko talaga dito ay maging masaya pero since lately ay mga negative ang nangyayari kaya nagiging emo-blog ko ito. Parang naging hingahan ko ng sama ng loob — hayst! Sabagay, yun din naman ang isa sa purpose nitong blog na ito ang ilabas ang lahat ng aking niloloob. And lately yung aking Baul ay di ko mapag-ukulan ng panahon. Iniisip ko tuloy na ang aking Baul ang siyang confidence ko at itong Sqwander naman ang lahat ng weaknesses ko.

Ang hirap talagang maging OFW. At higit lalo kung may pamilya kang binubuhay na umaasa sa’yo. Mabuti na lang at may trabaho si misis. Hindi niyo na itatanong, financially unstable ang kumpanya namin at ang nakakalungkot pa ay ang poor management nito. Ang hirap maging positive kung maraming negative sa paligid mo – natatalo minsan ng nega ang positive.

I always confort myself with God’s words at yun yung mga lumalabas sa aking Baul. Yung mga word of God na aking na-share doon ay siyang naging pang-palakas ko. At ngayon medyo nahihirapan na naman ako sa sitwasyon namin. Mukhang di na nga maka-recover ang kumpanya sa krisis ay mukhang magpapalit pa ang management. Okay lang sana sa akin kung yung taong papalit ay alam mong mapapabuti ang kumpanya pero knowing na yung taong yun ay “inconsiderate” sa kapakanan ng mga taong hinahawakan niya at ang tanging katotohanan sa kanya ay yung mga sinasabi ng mga kampi sa kanya ay talaga namang nakaka-dismaya.

Hayst! Kung pwede ko lang makita ang future at iwasan ang dapat iwasan at gawin ang nararapat na gawin ay talagang gagawin ko. Pero ganun talaga ang misteryo ng buhay hehe!

Ngayon, ano nga ba ang aking gagawin? Siguro gawa na ako ng bagong plano. Plano para sa isang di magandang hinaharap – for worst! At least handa ako kung mawala man ako dito sa lugar ng mga arabo at bumalik sa ating minamahal na bansa. Ano kaya ang mangyayari kung ito man ay mangyari? Ito na siguro yung napapag-usapan sa PEBA nung nakaraan hehe! Mukhang natataon ito para sa akin hehe!

Try ko next time maging – positive or kung gusto niyo basahin niyo yung aking Baul, daming positive doon hehe!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: