Hang-gwapo Ko!

Sabi ko na nga ba di niyo matitiis ang kagwapuhan ko eh hehehe! Sige upo muna kayo at kumapit ng maige sa inyong kinauupuan.

Hang-gwapo ko!

Nagkagulo ang mga tao dito sa office namin sa Obhor. Akala ko dahil ang gwapo ko sa bago kong gupit ayun pala akala nila ay na-resib ko na yung aking sahod dahil nakapagpagupit na ako – waaah!. Kaya pa sila nagkakagulo ay nagkaisa ang lahat na bumili ng tanghalian dahil di makakalabas ang aming mga surveyor dahil umuulan kaya ayun – patak-patak silang tulad natin hehe!

Ngayon ko lang nalaman na di pala lahat ng arabo ay elegante, may kuripot din pala hahaha!. Kinakantyawan kasi nila yung isa dito dahil ayaw maglabas ng pera sa kanilang patak-patak at pati ako hinihingian ng patak e may baon kaya akong almusal at tanghalian kaya di ko sila pinansin haha!

Tag-ulan na sa Jeddah

So ayun po, ang lakas-lakas ng ulan dito sa Obhor buti na lang at di masyadong mahangin kung hindi ay mababasa ako at dadami (Gremlins!). Sa mga oras na ito ay payapa na ang kapaligiran, humupa na ang ulan at ang tubig ay nanatili! waah! Sana di ako mahirapang umuwi nito mamaya. Si Ize nasa bahay na, pinauwi ng maaga from school. Thank God at wala na yung isang alalahanin ko.

Baul ni Noel

Malapit ng matapos yung header ng bagong layout ng aking Baul ni Noel susunod ko na ang layout – kakapagod mag-isip (sana kasing galing ako ni Zyra ng  TABA/AdodcEspresso). Plano ko kasi pag-launch ng bagong dot.com ng Baul ay bago rin ang layout – surprise baga kaya lang di ko ma-contain ang sarili ko haha!

At iba pa!

Ang almusal ko po ay Chicken Salad from McDo, sorry Mommy binaon ko yung salad mo na nabili natin nung naglakad-lakad tayo kagabi. Ang tanghalian ko po ay (kailangan na talaga kaming mamili, wala ng stock sa fridge kundi….) piniritong itlog at hotdog – hayst!

Nag-blog-hop ako ng sandali kanina doon sa mga blogs na nakadagdag sa blogroll ko.

Mamaya ay gagawin ko naman yung ibang dapat na gawin sa isang biz namin sa Pinas. Sana makaya ko hehe! Sabak na naman ako sa PHP at layout.

Daming salamat po. Sa uulitin. Balik reality muna ako trabaho na. Tama na ang Sqwander mga kapatid sa blogging.

Advertisements
Comments
3 Responses to “Hang-gwapo Ko!”
  1. Bhing says:

    base!

    kahit anong lahi may galante at kuripot dn yta. haha!

    aabangan ko ang bagong lay-out na yan.

    God Bless!

  2. dlittlegirl says:

    ikaw na talaga ang bagong gupit na ayaw makipatak sa tanghalian dahil nagbaon ng chicken salad for breakfast at ilog at hotdog for lunch! haha! which reminds me, malamang yan ang ulamin namin mamayang tanghali. kung hindi baka ang walang kamatayang……….. jeren!!!!!!!!!

    fried chicken.

    hay.

  3. Bino says:

    can’t wait sa new layout hehehe. at tama, madami talagang kuripot. wahahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: