Nasaan Na Nga Bang Barkada Ngayon?

Marami-rami rin akong nami-miss sa Pinas at isa na dito ang panonood ng sine. Ang barkada at ang mga lakad namin. Naalala ko tuloy nung nasa STI (Sa Tabing Ilog este Systems Technology Institute) pa ako. Minsan trip ng buong barkada ang tumambay sa bahay ng isang barkada (kila Waltz) tapos mag-aayang bumili sa Munoz para sa aming tanghalian. Suot lang namin nun tsinelas at talagang pang-bahay lang. Bili lang kami ng tinapa, salmong de lata, squid na de lata, tuyo at kung ano-ano pang pagkaing makikita sa palengke. Jamming kami sa bahay nila, ako sa guitar at si Kuya Rhandy sa keyboards, at ang voice labu-labo pero kahit na wala sa tono ang gitara, mali ang tipa sa keyboards, walang direksyon ang mga boses namin ay talaga namang napakasaya namin. Mga bagay na talagang masarap i-treasure.

Minsan din, same scenario mamamalengke na nakapang-bahay tapos bigla-bigla mag-aaya “tara SM na lang tayo!”. So ayun ang buong barkada nagliliwaliw sa SM na naka-pambahay at tsinelas lamang -haaayy! kaka-miss!

Ngayon ay nasaan na nga ba ang barkada? (sabay play ng APO music na “Awit ng Barkada”) – isa nasa Canada, dalawa nasa Pinas, dalawa dito sa Jeddah. Maraming nadagdag sa grupo pero kami ang nanatiling may matatag na relasyon. Masarap gunitain pero nakakalungkot din minsan kapag na-miss mo. Ang tanong – Kailan kaya mauulit?

Lumipas ang panahon, nagbago man ang mga estado at mga prayoridad namin sa buhay ay nanatili ang pagkakaibigan. Ganun naman talaga ang buhay eh pero minsan di maalis sa isipan natin – Sana maulit muli hehe!


http://cdn.imuxic.com/player.swf
Apo Hiking Society│Awit Ng Barkada Mp3 Codes

Advertisements
Comments
4 Responses to “Nasaan Na Nga Bang Barkada Ngayon?”
  1. YanaH says:

    ang loser ko lang, dahil ngayon ko lang nalaman ang meaning ng STI.. amp hahahaha salamat sa post na to at nalaman ko din.. mygawd!

    nakakatuwa naman ang samahan nyo.. masarap ireminisce ung mga ganyang moments..

    wala na ko masabi.. may namimiss ako eeeeeh

  2. bino says:

    bagamat hiwa-hiwalay, ang pagiging magkakaibigan ay mananatili sa puso’t isipan ng bawat isa. naks!!! 😀

    • izeleon says:

      kahapon ko pa na-aprub ito pero ayaw lumitaw, so eto na. Thanks sa pagbisita. Oo sarap gunitain ng bachelor days with barkada hehe! Pero mas masaya na kapag may asawa na hehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: