Sino Ka Nga Ba?
Maaari ko bang malaman?
Ano ang inyong kailangan?
Puso ko’y inyong kinakatok.
At patuloy niyong inaarok.
Hindi nyo ba nalalaman na ako ay maraming pag-aalinlangan?
Mga bagay ay bumabagabag sa aking puso at sa aking isipan?
Sino ako at ano ang aking halaga at sinong nagmamahal sa akin?
Ibig ko lang naman ako’y mahalin at wala ng iba pang hihilingin.
Ako ba ang iyong pakay?
At sa’kin ay naghihintay?
Ako ba ay iyong mahal?
Kahit ako’y isang hangal?
Ikaw na ba ang pupuno?
Sa puso kong nagdurugo?
Puwang sa aking buhay.
Sagot ba’y inyong taglay?
Agam-agam ko’y dinggin.
Sagutin ang aking panalangin.
Anong aking gagawin upang ika’y kilalanin?
Upang buong pagsinta kita’y iibigin at mamahalin?
== 0 ==
Sino nga kaya ang siyang kumakatok sa puso ninuman?
At siyang naghihintay ng may buong kasiyahan?
Ika’y lumayo ng isang hakbang at muli mo itong silayan.
Upang iyong malaman ang sa puso nati’y ibig manirahan.
== 0 ==
by: Manuelito “Noel” Ablon
Ililipat ko na talaga promise yung ibang short-stories, poetry at kung ano-ano literature ko. Abangan niyo nawa ito.
galing…
Maraming salalmat sa oras at pagbisita.
ang ganda! nawa’y madami pang kasunod.
gandang umaga!
Yung luma muna, inspired lang ako ngayon hehe! Pero salamat na marami sa inyong pagbisita.
ahwe — tulang mula sa puso at hindi lamang nakikiuso
Siyang tunay. Galing nga sa puso. Maraming salamat sa iyon pagbisita at pag-iwan ng comment.
nakakainis kuya..
parang lumabas sa tula mo lahat ng agam-agam ko.. ahihihihi
haha! Actually ang title nito ay “Agam-agam ni Pedro” pero sino ba nakakakilala kay Pedro, gusto mo gawin kong “Agam-agam ni Yanah” ?hahaha!